Christmas party ipinagbawal ng Kidapawan City government
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Ipinakakansela ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang Christmas parties at Staff Development Activities ng mga opisyal at kawani ng city government.

Nabatid na Nobyembre 8, 2019 nang pirmahan at ipalabas ni Mayor Evangelista ang Memorandum No. 3717 Series of 2019 na nag-uutos sa lahat ng department heads na kanselahin ang mga pagtitipon at mga aktibidad ng kanilang mga empleyado na naka-schedule ng Disyembre.

Ayaw umano ng alkalde na isakripisyo ang kaligtasan ng kanyang mga empleyado gayung inaasahan pa ang mga aftershocks na dala ng tatlong malalakas na lindol na tumama kamakailan. Kabilang ang gusali ng lokal na pamahalaan sa mga napinsala sa tatlong lindol kaya naglipat ng operas­yon ang ilang tanggapan dito at pansamantalang nag-oopisina sa ibang pasilidad ng city government.

Sinabi ng alkalde na sa kabila ng dinaranas nilang delubyo, mas mainam umanong ipagdiwang na lamang nang simple at makabuluhan ang Kapaskuhan sa piling ng mga mahal sa buhay at ng iba pang nangangailangan ng tulong na mga nasalanta ng lindol. 

CHRISTMAS PARTY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with