Ex-army, trader na beki itinumba
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang dating sundalo at isang miyembro ng LGBT community sa magkahiwalay na pamamaril sa Ilocos Norte at Cagayan noong Huwebes.

Napuruhan sa dibdib ang dating Army na si Bernardo Sadang, 50-anyos ng kaibigang si James Manera, 52, kasunod ng sumiklab na gulo sa laklakan ng birthday party ng huli sa Brgy. 20 Paratong, Paoay, Ilocos Norte.

Base sa ulat, umaa­wat si Sadang sa suntukan ng anak na si Michell, 24, laban sa alalay ni Manera na si Norbert Portela, 25, nang maganap ang pamamaril ni Manera dakong alas-9:45 ng gabi. Agad binawian ng buhay ang nakatatandang Sadang habang dinakip ng mga rumespondeng pulis si Manera subalit nabigong marekober ang baril na ginamit sa pagpatay.

Samantala, sa lungsod ding ito, niratrat ng ‘di pa natutukoy na gunman ang negosyanteng bading na si Mitchell Hidalgo habang nagla-lakad pauwi sa Sunshine Valley Homes sa Brgy. Atulayan Sur, dakong alas-10:00 ng gabi.

Ayon kay P/Staff Sergeant Darwin Hidalgo, tinitingnan sa imbestigasyon kung may kaugnayan ang pagpaslang kay Hidalgo sa negosyo niyang pagka-karinderya na dinarayo sa lungsod.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with