Ang mga napaslang na biktima ay sina Felipe Semillano Condez Jr., 60; at Jonesis Juanitez Condez, 31; kapwa kagawad sa Brgy. Kalamtukan ng naturang lungsod.
STAR/File
2 konsehal itinumba ng tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang magpinsan na pawang kagawad ng isang barangay ang nasawi matapos ratratin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang magkaangkas sa motorsiklo at pauwi na sa kani-kanilang taha­nan naganap sa highway sa Sitio Napacan, Brgy. Kalumbo-yan, Bayawan City, Negros Oriental nitong Huwebes ng umaga.

Ang mga napaslang na biktima ay sina Felipe Semillano Condez Jr., 60; at Jonesis Juanitez Condez, 31; kapwa kagawad sa Brgy. Kalamtukan ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Bayawan City Police, naitala ang krimen sa kahabaan ng highway sa naturang lugar, bandang alas-10:30 ng umaga.

Base sa imbestigasyon, ang mga biktima ay magkaangkas sa isang motorsiklo na pauwi na sana sa  kanilang tahanan galing sa kalunsuran ng Bayawan nang pagsapit sa nasabing lugar ay sinundan nang hindi pa nakilalang salarin na sakay ng Honda XRM motorcycle.

Nang makalapit sa mga biktima ay walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nasawi noon din.

Mabilis namang tuma-   kas ang mga suspek patungo sa ‘di nabatid na direksyon.

Patuloy ang imbestigas­yon ng mga otoridad sa naturang krimen.

 

TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with