Ang pinatay na biktima ay kinilalang si Noel “Wowie” Gallardo na kapitan sa Barangay Pagdalagan Sur ng nasabing bayan.
STAR/File
ABC president nilikida sa casino
Raymund Catindig, Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang Association of Barangay Chairman (ABC) president nang binoga sa ulo habang nag­lalaro ng e-games slot machine sa loob ng casi­no ng isang resort sa Bauang, La Union noong Miyer­kules ng gabi.

Ang pinatay na biktima ay kinilalang si Noel “Wowie” Gallardo na kapitan sa Barangay Pagdalagan Sur ng nasabing bayan.

Dakong alas-7:00 ng gabi, nabatid na naglalaro ng slot machine ang opis­yal nang puruhan siya nang malapitan ni Jeffrey Escobal na tubong Aurora, Isabela, na tumagos ang bala sa batok ng biktima.

Nagawa pang maisugod sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City ang biktima ngunit nalagutan din ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Isinailalim naman ng otoridad sa pagtutugis si Escobal na agad na tumakas matapos ang pamamaslang.

Pinaniniwalaan namang personal na alitan ang motibo ng krimen habang patuloy ang masusing im-bestigasyon sa kasong ito.

Samantala, isang dating ABC President ng South Cotabato at incumbent barangay kagawad ng Poblacion, Polomolok ang nasawi sa pamamaril naganap sa Dahlia St. Poblacion, Polomolok, South Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Kagawad Vicente Yungco Jr. na residente ng nasabing lugar.

Nabatid na sakay si Yungco sa kanyang puting Isuzu Crosswind (KDA 441) nang pinagbabaril ng armadong riding-in-tandem, pasado ala-1:00 ng hapon.

Isinugod pa sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with