Himas-rehas na nga-yon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Gilbert Ballara, 41; Manuel Ogoc, 36; Johnny De la Cruz, 31; at Manolito Marquez Jr., 34 taong gulang.
STAR/File
4 magbabarkada huli sa P.1 milyong shabu
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

TAYABAS CITY , Philippines – Wa­lang iwanan hanggang sa kulungan ang apat na magkakabarkada na sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng ipinagbabawal na droga makaraang maaresto sa anti-drug operation ng mga otoridad at makumpiskahan ng mahigit sa P.1-milyong halaga ng iligal na droga kamakalawa ng gabi sa Purok 7, Barangay Lacawan ng lungsod na ito.

Himas-rehas na nga-yon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Gilbert Ballara, 41; Manuel Ogoc, 36; Johnny De la Cruz, 31; at Manolito Marquez Jr., 34 taong gulang.

Batay sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit (QPDEU) ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-11:30 ng gabi.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos posasan at makumpiskahan ang mga ito ng 28.30 gramo ng shabu na may street value na nagkakahalaga ng P157,065.00, isang P500 marked money at drug paraphernalias.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with