Motor vs truck: 1 patay
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang 46-anyos na rider habang sugatan naman ang kanyang angkas matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na truck sa kahabaan ng national highway ng Purok-6, Brgy. Tula-Tula sa Ligao City, Albay, kamakalawa ng umaga.

Dead-on-arrival sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital ang biktimang si George Caballero Navera, residente ng Brgy. Iluluan, Camalig; habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang sugatang angkas na si Ryan Barbarin Vasquez, 31; residente ng Brgy. Paulog.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga magkasalubong na binabaybay ang highway ng motorsiklo ni Navera at Isuzu truck (CAN-7017) na minamaneho ni Christopher Reobilo, 20-anyos, residen­te ng Brgy. Allang. Gayunman, nang pagdating sa bahaging palusong at palikong bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol ang motorsiklo kaya napunta sa kabilang linya at malakas na bumangga sa kasalubong na truck.

Agad naman silang sinaklolohan ng mga residente at isinugod sa na-tu­rang ospital pero ‘di na umabot nang buhay ang biktima.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with