Bagong uwing OFW, ginilitan ng babaerong mister
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Isang ginang na overseas Filipino worker (OFW) na kakauwi pa lamang mula sa Middle East ang walang awang kinatay ng kanyang mismong mister makaraang umanong kalasan ang huli naganap sa Sitio Caddag, Brgy. Dipu­su, San Mariano, Isabela, kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Major Ferdimer Quitevis, hepe ng San Mariano Police Station, na nagngitngit ang mister na si Melchor Baingan, nasa hustong gulang, nang hindi umuwi ang misis na si My-lene, 30, sa kanyang poder sa katabing bayan ng Benito Soliven at sa halip ay tumuloy ito sa bahay ng mga magulang sa San Mariano.

Ayon sa report, mada-ling araw nang madatnan ng ama ni Mylene si Melchor na nagmamadaling tumakas mula sa kuwarto kung saan iniwan ang misis na naliligo sa sariling dugo bunsod ng malaki at malalim na gilit sa kanyang leeg.

Nabatid na kinalasan ng biktima ang mister matapos umanong malaman na nilustay nito sa pambababae at sugal ang pinapadala niyang pera na sana’y gagamitin sa pagpapatayo ng sariling bahay.

Iniutos naman ni Quitevis ang masigasig na pagtutugis kay Melchor upang pagbaya-ran sa batas ang ginawang krimen.

 

BABAERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with