Kinilala ang mga nasawi na sina Ricardo Panganiban, 27-anyos, misis na si Marian, 25, at anak nilang si Aira.
Miguel Antonio N. De Guzman/File
Gusali nasunog: Mag-asawa, anak patay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos ang sinapit ng isang mag-asawa at 2-anyos na  anak na babae makaraan silang makulong ng apoy sa loob ng nasusunog na gusali sa Brgy. West Bajac Bajac, Olongapo City, Zambales nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ricardo Panganiban, 27-anyos, misis na si Marian, 25, at anak nilang si Aira.

Sa report ng Olongapo City Fire Marshal, dakong alas-6:15 ng umaga nang magsi­mula ang sunog sa Auto Parts Shop na pag-aari ni Florencio Cureg sa unang palapag ng gusali na nasa Eizal Avenue, Brgy. West Bajac-Bajac.

 Ang sunog ay mabilis na kumalat sa buong gusali sanhi upang ma-trap ang nasabing pamilya na nasa isa sa mga kuwarto rito.

 Nagresponde naman ang mga bumbero dala ang anim na mga firetrucks na pinagtulungang maapula ang apoy pero hindi na nila nailigtas ang mga biktima.

 Ayon kay Chief ­Inspector Arvin Christian Santos, ground commander ng BFP na ­umabot sa 2nd alarm ang sunog at pasado alas-9 na ng umaga nang maapula.

 Nadiskubre ang bangkay ng tatlong biktima na magkakatabi sa isa sa mga kuwarto ng gusali sa isinaga­wang clearing operation.

 Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at ­inaalam ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with