Magkahiwalay na duguang humandusay sa kalsada ang magpinsang sina Joana Doctor Gonzales, 34-anyos at Jolina Gonzales Jesalva, 17-anyos, saleslady; pawang residente ng nasabing barangay.
STAR/File
Magpinsang bebot kinatay sa daan
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng magpinsang babae nang abangan at pagtatagain ng hindi kilalang suspek habang lulan ng motorsiklo sa Brgy. San Isidro, Castilla, Sorsogon kamakalawa ng umaga.

Magkahiwalay na duguang humandusay sa kalsada ang magpinsang sina Joana Doctor Gonzales, 34-anyos at Jolina Gonzales Jesalva, 17-anyos, saleslady; pawang residente ng nasabing barangay.

Wala namang naka­kilala sa suspek na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

Sinabi ni P/Major Jerry Cereno, Public Information Office chief ng Police Community Affairs and Development Branch ng Sorsogon Police, ang mga biktima ay natagpuang wala nang buhay dakong alas-9:30 ng umaga sa Brgy. San Isidro, Castilla ng lalawigang ito.

Sinabi ni Cereno na isang concerned citizen ang nag-report sa pulisya sa natagpuang bangkay ng dalawang babae na tadtad ng saksak sa katawan at  inabandona sa Brgy. Road ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, lulan ng kanilang motorsiklo ang magpinsan patungong bayan nang abangan ng isang suspek na armado ng itak. Bago pa nakaiwas ang mga biktima ay pinagtataga na sila ng suspek.

Duguang bumagsak sa kalsada si Jolina habang kahit sugatan ay nagawa pa sanang makatakbo ni Joana pero hinabol siya ng suspek saka pinagtataga hanggang sa mamatay.

Agad rumesponde ang mga pulis pero hindi na nila inabutan ang suspek habang natagpuang magkahiwalay sa kalsada ang bangkay ng mga biktima.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with