Kinilala ni Police Lt. Col. Socrates Faltado, spokesman ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police ang nasa­wing biktima na si Police Corporal Melvin Castillo Rios, 37, nakatalaga sa Police Drug Enforcement Unit (PDEU) sa Palawan samantalang isinugod sa pagamutan ang nasugatang kapatid na si Roderick, 39, isang welder.
STAR/File
Parak utas sa nililinis na baril, utol sugatan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis habang sugatan ang kapatid nito matapos na aksidenteng pumutok ang service firearm ng una habang nililinis ito sa loob ng kanilang tahanan sa bayan na Narra, Palawan nitong Martes ng gabi.

 Kinilala ni Police Lt. Col. Socrates Faltado, spokesman ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police ang nasa­wing biktima na si Police Corporal  Melvin Castillo  Rios, 37, nakatalaga sa Police Drug Enforcement Unit (PDEU) sa Palawan samantalang isinugod sa pagamutan ang nasugatang kapatid na si Roderick, 39, isang welder.

 Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng nasabing pulis sa Purok 3, Brgy. Princess  Urduja, Narra ng lalawigan. Kasalukuyang nililinis nito ang kanyang armas habang nanonood ang kapatid nito nang aksidenteng pumutok ito.

 Sinabi ni Faltado na tinamaan sa sentido ang nasabing parak habang ang kapatid nito ay nagtamo naman ng sugat sa baba.

 Ang mga biktima ay mabilis na isinugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival ang pulis.

 

GUN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with