Kinilala ang mga nasawi na sina Prince Clark Borja, driver at mag-asawang Emma­nuel at Anecita Barabat. Sugatan naman ang kanilang kasamahan na hindi pa tinukoy ang mga pangalan.
STAR/File
3 todas sa salpukan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang driver ng sports utility vehicle (SUV) at sakay nitong mag-asawa nang makasalpukan ang isang dump truck sa Brgy. Maluko, Manolo Fortich sa Bukidnon kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Prince Clark Borja, driver at mag-asawang Emma­nuel at Anecita Barabat. Sugatan naman ang kanilang kasamahan na hindi pa tinukoy ang mga pangalan.

Sa imbestigasyon, galing sa Dalirig, Manolo Fortich ang dump truck ay papunta umano sa Malaybalay, habang papunta naman ng Caga­yan de Oro City ang mga biktima na pa­wang mga empleyado ng VCDU Realty Corporation. Habang binabagtas nila ang nasabing ka­l­sada, bigla na lamang umanong umagaw ng linya ang trak dahilan para masalpok nito ang SUV na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo.

Hawak na ng pulis­ya ang driver ng trak na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple ­serious physical injuries, at damage to properties. 

ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with