Trader itinumba sa motor shop
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

RIZAL, Philippines – Isang ne­gosyante ang patay habang sugatan ang isang trabahador nito matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa isang motorcycle parts and accessories shop na pag-aari ng una sa bayan ng Rodriguez, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dead-on-the-spot ang motor shop owner na si Sonny Jurado, 50, dahil sa da­lawang tama ng bala sa katawan habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang kanyang tauhan na si Ronald Topacio, 50.

Batay sa ulat, dakong-6:32 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng motor shop ni Jurado na matatagpuan sa 16 Don Mariano ­Avenue Extension, Brgy. San Jose, nasabing ba­yan. Habang nasa loob ng tindahan si Jurado at nag-aayos ng mga pa­ninda at si Topacio naman ay nasa labas at nag-aasikaso ng bumibiling kustomer nang biglang dumating ang dalawang suspek. Agad na nilapitan ng mga suspek si Jurado at dalawang ulit na pinaputukan saka pinuntahan si Topacio at binaril din. Tumakas ang dalawa patungo sa direksiyon ng Brgy. San Jose bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with