^

Probinsiya

Convicted holdaper-rapist arestado

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nalambat ng mga awtoridad ang isang sentensiyadong  kawatang rapist matapos matunton ang kanyang lungga sa Sitio Gapa, Brgy. San Antonio  Cabagan, Isabela kamakalawa. 

Kinilala ni Major Noel Magbitang, hepe ng Cabagan Police Station ang nadakip na si Freddie Garro 51 na isang pugante sa Isabela Provincial Jail noong 1997.

Ayon kay Magbitang, kinasuhan si Garro ng panggagahasa sa kanyang biktimang hinoldap noong 1995 at nakulong habang dinidinig ang kaso. 

Nabatid na nagbalatkayong babae si Garro nang tumakas makaraan ang dalawang taon. Sa rekord, sinentensiyahan ng Korte ng pagkakakulong si Garro noong 2001. Habang nakapuga, nagpapanggap si Garro bilang kumander ng NPA at kinokotongan ang mala­laking negosyante sa Isabela hanggang sa siya’y natimbog.

 

vuukle comment

RAPIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with