Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Captain Limar Bagnug, Sgt. Rex Jadulco, Corporal Ronaldo Go, Pfc. Kent Loyd Agullo, Pfc. Junmar Buranday at Pvt. Charlie del Rosario.
STAR/File
NPA ambush: 7 patay, 20 sugatan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Anim na sundalo at isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kumpirmadong patay habang 20 naman ang su­gatan sa hanay ng militar makaraang pasabugan ng landmine at paulanan ng bala ng mga rebelde ang kanilang convoy sa madugong pananambang sa Brgy. Pinana­g-an, Borongan City, Eastern Samar, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Captain Limar Bagnug, Sgt. Rex Jadulco, Corporal Ronaldo Go, Pfc. Kent Loyd Agullo, Pfc. Junmar Buranday at Pvt. Charlie del Rosario.

Patuloy namang ina­alam ang pagkakakilanlan ng napatay na rebelde sa engkuwentro.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang mga nasugatang sundalo na nakilalang sina Sgt. Kenneth John Arcina, Sgt. Cyril Baja, Sgt. Rando Soria, Pfc. Albert Abegonia, Pfc. Dranreb Gealon, Pfc. Riel  Bilason, Pfc. Gilbert Renegado, Pfc. Rex Batis Jr., Pvt. Roger Ditche, Pfc. Jerwin Omrob, Pvt. Darwin Aborquez, Private Joshua Pacuan at Pfc. Denmark Gonsaza; pawang ng Charlie Company ng 14th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

Ang iba pang mga sugatan ay sina Sgt. Marlon Orsal, Cpl. Dominador Antonio Jr., Cpl. Aljon Aguillos, Cpl. Linilito Donayre, Pfc. Mark Geric de Leon, Pfc. Rene Abuda at Private Jayson Beros; pawang sa Alpha Company ng 14th IB.

Sinabi ni Captain Reynaldo Aragones Jr., spokesman ng 8th Infantry Division (ID), pa­sado alas-5 ng hapon nang tambangan ng tina­tayang 50 armadong re­belde ang tatlong platoon ng mga sundalo ha­bang bumabagtas ang kanilang convoy sa Sitio Bangon, Brgy. Pinana-an, nasabing lungsod.

Ayon kay Aragones, pinasabugan ng anim na landmine ng mga rebeldeng NPA ang convoy ng tropa ng mga sundalo saka pinaulanan ng bala.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake, gumanti ng putok ang mga sundalo na nauwi sa bakbakan na tumagal ng ilang minuto bago nagsiatras ang mga rebelde na ina­bandona ang isang kasama na napatay sa bakbakan.

Nagsagawa ng “casualty evacuation” ang militar sa encounter site at isinugod ang mga su­gatan sa pagamutan. Na­pinsala naman ang behikulo ng militar sa pagsabog ng landmine ng mga rebelde.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with