Kinilala lamang ang sumuko sa alyas na Popoy/Cowboy, 1st squad leader ng SGU Central Front, KR Cagayan Valley na ang operasyon ay kumikilos sa bayan ng San Mariano at mga kalapit na lugar.
Edd Gumban/File
Lider ng NPA sumuko sa Isabela
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Philippines – Isang mataas na opisyal ng New Peoples Army (NPA) ang nagbalik-loob sa pamahalaan matapos na kusang sumuko sa mga awtoridad sa bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa.

Kinilala lamang ang sumuko sa alyas na Popoy/Cowboy, 1st squad leader ng SGU Central Front, KR Cagayan Valley na ang operasyon ay kumikilos sa bayan ng San Mariano at mga kalapit na lugar.

Bitbit ni Ka Popoy sa pagsuko ang dalawang M16 rifle, mga magazine, mga bala, isang bandolier, isang handheld radio, apat na improvised explosive device o IED, dalawang blasting caps, 30 metrong detonating cord, dalawang external computer hard drive at iba’t ibang subersibong dokumento.

Si Ka Popoy ay sinundo ng 95th Infatry Batallion ng Philippine Army, DPAO ng 5th Infantry Division, 1st Isa­bela Police Provincial Mobile Force Company at San Mariano Police sa isang bahay sa nabanggit na bayan.

Ayon kay ka Popoy, ang kahirapan umano na dinaranas sa kabundukan ang isa sa nag-udyok sa kanya na lisanin ang kilusan. Inamin nito na kabilang siya sa mga tropa ng NPA na nakaengkwentro ng 95th IB at 53DRC noong Oktober 24, 2019 sa Sitio Diwagden, Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela. Inatake rin umano nila ang Bio Ethanol Plant sa nasabing bayan subalit nabigo silang pasabugin ito dahil sa pagdating ng mga sundalo sa lugar. Binalak din umano nilang atakihin ang San Mariano at Benito Soliven Police Stations, at ang kampo ng 95th IB subalit nabigo sila.

Tiniyak naman ni Brig. Gen. Laurence Mina, commander ng 502nd Infantry Brigade na ipagkakaloob kay alyas Popoy ang mga kaukulang benepisyo mula sa pamahalaan at ang kanyang seguridad.

 

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with