Sa ulat, alas-4:55 ng hapon habang nasa isang kasiyahan ang tatlo nang bigla na lang dumating ang tatlong suspek sakay ng isang asul na Kawasaki Baja motorcycle at naghagis ng granada na sumambulat sa lugar na ikinasugat ng tatlong biktima.
STAR/File
Birthday party grinanada: Grade 7 stude, 2 pa sugatan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY, Philippines –Tatlo katao ang sugatan kabilang ang isang Grade 7-student matapos hagisan ng granada habang nasa isang birthday party ang mga ito sa Pruok 4, Brgy. Bagolibas, Aleosan, North Cotabato, Lunes ng hapon.

Kinilala ni Aleosan PNP Chief Police Captain Arvin John Cambang ang mga biktima na sina Eleuterio Macaya Cantomayor, 64-anyos, may asawa; Randy Poja Cantomayor, 44-anyos, may-asawa; kapwa magsasaka at isang Grade-7 student, pawang residente sa nabanggit ng lugar.

Sa ulat, alas-4:55 ng hapon habang nasa isang kasiyahan ang tatlo nang bigla na lang dumating ang tatlong suspek sakay ng isang asul na Kawasaki Baja motorcycle  at naghagis ng granada na sumambulat sa lugar na ikinasugat ng tatlong biktima.

Agad na naisugod ang tatlo sa pagamutan habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen. 

BOMB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with