Kinilala ni P/Staff Sergeant Robinson Tabrilla, imbestigador, ang biktima na si Jenifer Quiton, 40-anyos, tubong Vigan City habang pinaghahanap pa ang suspek na si Edgardo Quidolit ng nasabing barangay.
File
OFW niratrat ng kumpare sa lamay, patay!
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinaglalamayan na rin ngayon ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos na pagbabarilin hanggang sa mapatay ng kanyang kumpare sa mismong burol ng biyenan ng huli sa Brgy. Salindeg, Vigan City, Ilocos Sur kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Staff Sergeant Robinson Tabrilla, imbestigador, ang biktima na si Jenifer Quiton, 40-anyos, tubong Vigan City habang pinaghahanap pa ang suspek na si Edgardo Quidolit ng nasabing barangay.

Sa ulat, agad na pinaputukan ng suspek ang biktima na napuruhan ng bala sa leeg at dalawa pang tama sa katawan saka tumakas dakong ala-1:00 ng mada­ling-araw.

Sinikap pang isugod ng mga naglalamay si Quiton sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang pero idineklara ni Dr. Milalyn Ruth Delizo na dead-on-arrival.

Ayon kay Tabrilla, may matagal nang alitan ang magkumpare na siyang dahilan ng pamamaslang. Nang makita ng suspek na nasa burol ng biyenan nito ang matagal nang kaaway ay agad nitong nilapitan saka sunud-sunod na pinaputukan habang naglalaro ng “tong-its” kasama ang ilang naglalamay.

Nabatid na nagbaba­kasyon lamang ang biktima mula sa Italy at naiwan niya ang kanyang pamilya sa nasabing bansa.

KRIMEN OFW PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with