Sinabi ni Western Min­danao Command Spokesperson Major Arvin Encinas na habang nagpapatrolya ang mga sundalo sa Barangay Tukanalipao nang maka-engkwentro nila ang ‘di pa matukoy na bilang ng mga armadong miyembro ng BIFF Bungos Faction.
John Unson/File
2 BIFF, sundalo utas sa engkwentro
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang sundalo at dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang lima ang sugatan kabilang ang dalawa mula sa tropa ng militar matapos ang kanilang engkuwentro sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao nitong Sabado.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Sgt. Randy Alivar habang ang mga sugatan naman ay kinila­lang sina Private First Class (PFC) Ruel Sumilhig at PFC Allan James Cabildo.

Hindi na natukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at sugatang BIFF.

Sinabi ni Western Min­danao Command Spokesperson Major Arvin Encinas na habang nagpapatrolya ang mga sundalo sa Barangay Tukanalipao nang maka-engkwentro nila ang ‘di pa matukoy na bilang ng mga armadong miyembro ng BIFF Bungos Faction.

Ayon kay Encinas, dalawang miyembro rin ng BIFF ang nasawi sa engkuwentro noong Nobyember 9.

Nagsasagawa na ng clearing operations ang militar para tuluyang ma­itaboy ang BIFF sa lugar.

Nabatid na may mga ilang pamilya na rin mula sa nabanggit na barangay ang lumikas dahil sa nangya­ring bakbakan.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with