^

Probinsiya

Tresurero na tinangay ng agos, narekober sa Apayao

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Narekober­ na ang bangkay ng nawa­walang barangay trea­surer na tinangay ng baha sa Brgy. Karagawan, Kabu­gao, Apayao noong Linggo ng gabi.

Sinabi ni Lieutenant Ana Marie Lopez, hepe ng Kabugao Police Station na natagpuan ang labi ni James Carag matapos humupa ang baha may kalahating kilometro ang layo sa kanyang bahay dakong alas-8:00 ng gabi.

Matatandaan na tinangay ng malakas na agos ang opis­yal matapos matabunan ng gumuhong bundok ang kanyang bahay sa kasagsagan ng ulan noong Miyerkules ng madaling araw.

Si Carag ang ikatlong namatay sa hagupit ng bagyong Quiel sa Cordillera nitong nakaraang linggo matapos na unang marekober ang mga bangkay nina Apayao board member Tolentino “Butz” Mangalao at Corporal Rommel Gumidam Jr. kasunod ng landslide sa Brgy. Dibagat kung saan dalawang tao rin ang nasaktan.

Sa report ng Cordillera Disaster Risk Reduction Management Office, taga-Baguio City ang ikatlong nasaktan sa gumuhong lupa habang 2,182 katao mula sa 617 na pamilya ang inilikas sa Apayao bunsod ng malawakang landslide at pagbaha.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with