Beybi natagpuang nakalutang sa balon
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang bagong silang na sanggol na palutang-lutang sa loob ng isang balon sa Brgy. Libtong, Libon, Albay kamakalawa ng umaga. Patuloy na iniimbestiga­han ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng nanay ng pinaniniwalaang bagong panganak na babaeng sanggol o kung sino mang nagtapon sa balon. Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga, ilang residente ang nagpunta sa balon para sana maligo pero nagulat sila nang makita ang palutang-lutang na beybi. Hindi pa masiguro kung buhay o patay itong itinapon sa balon. Agad na ipinagbigay alam ni Brgy. Chairman Alvino Dela Rama sa mga pulis ang insidente.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with