Dead-on-the-spot ang biktimang si Alfred Discaya Magallon, residente ng nasabing barangay habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver at co-driver ng nakabanggang bus na tumakas makaraan ang aksidente.
STAR/File
Totoy hinabol ng aso, durog sa bus
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nadurog ang murang katawan ng isang 12-anyos na batang lalaki matapos mabangga ng bus makaraang biglang tumawid sa kalsada nang habulin siya ng aso sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. San Rafael, Castilla, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Alfred Discaya Magallon, residente ng nasabing barangay habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver at co-driver ng nakabanggang bus na tumakas makaraan ang aksidente.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi, binabagtas ng Eagle Star bus (AAl-1968) ang kahabaan ng highway mula sa Maasin, Leyte patungong Maynila nang pagdating sa palikong bahagi ay nabangga ang bata na biglang tumakbo at patawid ng kalsada makaraang habulin naman ng galang-aso.

Sinubukan pang isugod ng mga residente sa Vicente Peralta Hospital ang totoy pero idineklarang patay.

Nakita naman ng ilang residente ang hindi nakilalang driver at co-driver na itinigil ang kanilang bus malapit sa tulay at tumatakbong tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with