^

May-ari ng motor shop itinumba

Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang salarin ang isang motor shop owner habang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Southwoods Boulevard, Brgy. Cabilang Baybay sa bayan ng Carmona.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Bobby Sierra, nasa hustong gulang, isa ring mekaniko at residente ng  Purok 2, Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite.

Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis na tumakas sakay ng isang Mio black motorcycle tangay ang ginamit na armas.

Sa ulat ng pulisya, alas- 3:00  ng hapon habang sakay ang biktima ng kanyang Suzuki motorcycle (3094 WR) at bumabagtas sa nasabing lugar nang mula sa kung saan ay dikitan siya ng suspek lulan din ng motorsiklo saka sunud-sunod na pinagbabaril.

Pinuntirya ng suspek na patamaan ng bala ang ulo ng biktima upang masigurong patay.

Bago ang insidente, huling nakitang buhay ang biktima sa shop nito na may kausap na isang kliyente. Nang matapos, umalis siya sakay ng kanyang motorsiklo at dito na nga naganap ang pamamaslang.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with