Kagawad binistay ng bala
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta sa kanya mismong tricycle na puno ng sako ng ­copra ang isang 40-an­yos na kagawad nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Brgy. San Antonio sa bayan ng Barcelona, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Napuruhan ng ­punglo sa katawan at agad nasawi ang biktimang si Bernabe Gallor Estiller, barangay kagawad at residente ng Brgy. Sta. Lourdes. Hindi naman nakilala ang mga suspek na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon lulan ng motorsiklo.

Sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon, pababa ng bayan ang kagawad at minamaneho ang kanyang motorsiklo para magdeliber ng sako-sakong kopra nang tambangan at pagbabarilin ng salarin.

BALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with