Kinilala ang nasawing biktima na si Police Senior Master Sergeant Oscar Alegada, 43-anyos, ng Poblacion, Batuan ng lalawigang ito at nakatalaga sa Batuan Municipal Police Station (MPS). Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5, dakong alas-7:10 ng gabi habang nakikipag-usap ang biktima kay Mylene Olarita, NUP ng PNP sa gilid ng kalsada nang biglang sumulpot ang magkaangkas na suspek.
File
Parak pa itinumba ng tandem
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbabaril nang malapitan hanggang sa ma­paslang ang isa na namang pulis ng riding-in-tandem habang nakikipag-usap ang biktima sa isang babaeng non-uniformed personnel (NUP) sa highway ng Brgy. Canvañez, Batuan, Masbate nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Police Senior Master Sergeant Oscar Alegada, 43-anyos, ng Poblacion, Batuan ng lalawigang ito at nakatalaga sa Batuan Municipal Police Station (MPS). Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5, dakong alas-7:10 ng gabi habang nakikipag-usap ang biktima kay Mylene Olarita, NUP ng PNP sa gilid ng kalsada nang biglang sumulpot ang magkaangkas na suspek.

Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas ay biglang pinagbabaril ng backrider ang biktima sa ulo na agad bumulagta saka mabilis na tumakas ang mga suspek. Hindi naman sinaktan ng mga suspek si NUP Olarita. Personal na alitan at may kinalaman sa trabaho ang sinisiyasat ng pulisya na motibo sa krimen.

PATAY RIDING IN TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with