Lasog ang katawan ng isa sa walong nasawi sa nangyaring trahedya sa kalsada sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur noong Miyerkules ng gabi matapos araruhin ng isang pampasaherong bus ang isang tricycle at van.
Kuha ni Jorge Hallare
Van, tricycle inararo ng bus: 8 patay, 10 sugatan
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang walong katao habang sampu ang sugatan nang tumbukin ng isang pampasaherong bus ang sinusundan nitong tricycle at salpukin naman ang kasalubong na van naganap sa Maharlika National Highway ng Zone-4, Brgy. San Vicente sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur noong Miyerkules ng gabi.

Dead-on-the-spot ang driver ng van na si Armani Calpe,63, residente ng Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte; at kanyang mga pasaherong sina Joepet Ratilla Bernal, residente ng Paracale; Mae Lanuzo Acdan, 42, ng Brgy. 5, Daet; Mark Dave Doctor, 11, residente ng Brgy.  Roque, Mercedez, lahat ng Camarines Norte; Irene Adaque Abas, 26, residente ng Brgy. Pinamarbuhan, Mobo, Masbate; Josephine Dela Cruz Golgota, 39, residente ng Brgy. Ilaor, Oas, Albay; at dalawa pang hindi nakikilalang babae.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Bicol Medical Center at Mother Seton Hospital sa Naga City ang iba pang sakay ng van na sina Lusy Golgota, Lorena Sarmiento, Marilyn Jubilo, Dalhia Doctor, Ariel Vidal, Ralph Tibarl; at ang mga lulan naman ng tricycle na nasagi ng bus na sina Josephine Necerio, Gina Necerio, Marilou Alog, lahat residente ng Brgy. San Ramon Pamplona; at isang hindi pa nakikilalang pasahero naman ng bus.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi habang binabaybay ang highway ng JVH Bus Lines (EVP-129) na minamaneho ni Leonardo Belchez Camu, 52, residente ng Brgy. San Isidro Iraya, Malilipot, Albay na patungong Maynila nang subukan nitong mag-overtake sa sinusundang tricycle na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver pero natumbok ng bus ang hulihang bahagi nito kaya ito sumirko.

Dahil sa pagbangga sa tricycle nawalan ito ng kontrol kaya sumalpok sa kasalubong naman na van (EVU-222)na patungong Naga City na minamaneho ni Calpe.

Sa lakas ng banggaan patay agad ang driver ng van at kanyang walong mga pasahero habang sa lakas ng impak ay natanggal ang bubong at nahati ang van mula unahan hanggang sa likurang bahagi.

Tumakas ang driver ng bus ngunit kalauna’y sumuko rin sa community assistance center ng Libmanan Police na ngayo’y nahaharap na sa kasong reckless imprudence resul-ting in multiple homicide at multiple serious physical injuries.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with