Kinilala ng Tulunan PNP ang mga nasawi na sina Juanito D. Gulaya, at Pablito A. Dulay, habang ang mga nasugatan ay sina Julito E. Mangalin, 34 anyos, may asawa, at Loreto G. Villar Jr., 25 years old, kap-wa mga magsasaka at lahat ay residente ng nasabing lugar.
File
2 bulagta sa pamamaril
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Todas ang dalawang magsasaka habang dalawang kapwa nila magsasaka ang sugatan matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang suspek habang pauwi ng kanilang tahanan sa G. Baynosa, Tulunan, Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Tulunan PNP ang mga nasawi na sina Juanito D. Gulaya, at Pablito A. Dulay, habang ang mga nasugatan ay sina Julito E. Mangalin, 34 anyos, may asawa, at Loreto G. Villar Jr., 25 years old, kap-wa mga magsasaka at lahat ay residente ng nasabing lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-6:00 ng gabi nang sinundan at pagbabarilin umano ang mga biktima ng suspek na pauwi na sana sa kani- kanilang bahay galing sa isang meeting sa bahay ni Datu Antonio Dalunan na kanilang IP representative ng kanilang barangay.

Nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan ang mga biktima dahilan ng agarang kamata- yan nina Gulaya at Dulay at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Nagpapagaling na ngayon ang dalawang sugatang biktima habang nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbes­tigasyon ng pulisya kung ano ang motibo sa naturang pamamaril.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with