Guro kinatay ng 2 ‘akyat-bahay’
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng elementary school teacher matapos na pagsasaksakin ng dalawang “akyat-bahay” suspects makaraang pasukin at pagnakawan ang kanilang bahay sa Brgy.Toytoy, Caramoran, Catanduanes noong Martes ng gabi.

Naliligo sa sariling dugo at patay na nang datnan ng mga sumaklolong kapitbahay ang biktimang si Mel Rose Trilles Baloloy, 37-anyos at guro ng Tucao-Maysuram Elementary School.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima at anak na lalaking 13-anyos nang biglang pumasok ang dalawang hindi kilalang lalaki na armado ng hindi malamang kalibre ng baril.

Agad na pinaluhod ang mag-ina at itinali ang binatilyo sa mga kamay saka ipinasok sa basement ng bahay habang dinala naman sa labas si Mel Rose at saka pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang sa patay na humandusay.

Kasunod nito, hinalughog ng mga suspek ang bahay kung saan ilang gamit pati na ang P850 na pera ng misis na guro ay kinulimbat bago tumakas.

Nakawala naman sa pagkakagapos ang anak ng biktima kaya nakahingi ng saklolo sa mga kapitbahay pero patay na ang kanyang ina.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with