Binata nambawi ng pangakong kasal sa gf, arestado
Kinilala ni P/Capt. Joseph Jonathan Binayug, hepe ng Luna Police ang inaarestong si Neal Harvey Manuel, 20, ng Brgy. Centro 3, Luna, Isabela.
File
Binata nambawi ng pangakong kasal sa gf, arestado
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2019 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang binata ang ina­resto ng mga awtoridad sa bisa ng isang warrant of arrest matapos bawiin umano nito ang pangako na pakakasalan ang kanyang kasintahan sa bayan ng Luna sa lalawigang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Capt. Joseph Jonathan Binayug, hepe ng Luna Police ang inaarestong si Neal Harvey Manuel, 20, ng Brgy. Centro 3, Luna, Isabela.

Napag-alaman na unang­ nangako si Manuel na kanyang pakakasalan ang nob­yang si Abigail Tacdoran ngunit kalaunan ay binawi nito na naging dahilan para dumanas ng “emotional stress” ang nasabing “bride to be”.

Dahil dito, kinasuhan ni Tacdoran ang nobyong si Manuel ng paglabag sa Republic Act 9262 o “Violence Against Women and Children”.

Umaksyon naman ang mga awtoridad at bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Raul Babaran ng RTC Branch 19 ng Cauayan City ay inaresto ang akusado sa kanyang tahanan dakong alas-8:00 ng umaga.

Inirekomenda ng korte ang piyansang P24,000.00 sa dating nobyo ni Tacdoran para sa pansamantala nitong kalayaan.

ARESTADO KASAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with