_ngayon
^
31 bakwit ng lindol nalason sa food packs
Ayon sa ulat, Lunes ng umaga ipinamudmod sa mga tao sa evacuation center ang mga food packs na may chicken pastel pero ala-1:00 pa umano ng hapon kinain ito ng mga evacuees. Kinagabihan ay nakaramdam na ng matinding pananakit ng tiyan at pagtatae ang mga biktima.
Geonarri Solmenaro/AFP

31 bakwit ng lindol nalason sa food packs

Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Nasa 31 evacuees o bakwit ang isinugod sa iba’t ibang pagamutan matapos umanong malason sa panis na pagkaing inihanda para sa mga “internally displaced persons” dahil sa sunud-sunod na lindol sa isang evacuation center sa Malabuan Elementary School sa Brgy. Malabuan, Makilala noong Lunes ng gabi.  

Ayon kay Municipal Health Officer Dra. Georgina Sorilla at Mark Timbal, tagapagsalita ng NDRRMC, ang mga biktima ay halos mga bata na nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan at ulo, pagkahilo, pagsusuka at pagdudumi. Ito’y ilang oras matapos na makakain ng sirang pagkain na pastel mula sa food packs na ibinigay sa kanila ng isang grupo na nagrarasyon ng mga pagkain sa evacuation center.

Ayon sa ulat, Lunes ng umaga ipinamudmod sa mga tao sa evacuation center ang mga food packs na may chicken pastel pero ala-1:00 pa umano ng hapon kinain ito ng mga evacuees. Kinagabihan ay nakaramdam na ng matinding pananakit ng tiyan at pagtatae ang mga biktima.

Ayon sa mga biktima, kakaiba na umano ang amoy ng pastel na manok na kanilang kinain pero dahil sa gutom ay pinagtiyagaan nila itong kainin bunga na rin ng agawan sa mga relief goods na sobrang haba ng pila.

Nabatid na may 11 sa mga biktima ang isinugod sa Kidapawan Hospital, 10 sa Cotabato Provincial Hospital habang ang iba ay nasa maayos nang kalagayan.

Dahil dito, pansamantalang ipinagbawal munang ibigay ang mga luto o “ready to eat” na pagkain sa mga evacuees upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. 

Magugunita na triple ang delubyong inabot ng mga residente ng Cotabato sa magkakasunod na lindol na yumanig sa Central Minda­nao kung saan napuruhan ang Cotabato sa 6.2 magnitude ng lindol noong Oktubre 16; 6.6 magnitude noong Oktubre 29 at 6.5 magnitude nitong Oktubre 31.

FOOD PACKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with