Ambush: Tanod todas, pinsan grabe
Jorge Hallare, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bumulagta sa kalsada ang isang 33-anyos na barangay tanod habang su-gatang isinugod sa hospital ang kanyang pinsang babae matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang patungo sa bahay ng kanilang kamag-anak sa Brgy. Cagbatang, Cataingan, Masbate kamakalawa ng umaga.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad namatay ang biktimang si Arnel Omega Hortelano habang ginagamot sa Cataingan District Hospital ang pinsang si Nancy Omega Almodel, 37; pawang ng Brgy. Mahayahay Placer.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga galing ang mga biktima sa Estampar Old Cemetery at patungo sana sa kaanak lulan ng motorsiklo nang sabayan sila ng dalawang suspek na lulan ng isa pang motorsiklo saka sila pinagbabaril.

Duguang bumulagta sa kalsada si Hortelano habang sugatang nahulog sa motorsiklo ang angkas na si Almodal. Agad tumakas ang mga gunmen patungo sa direksyon ng Brgy. Liong. Ilang basyo ng kalibre 45 baril ang nakuha ng mga pulis sa lugar.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with