Totoy lasog sa 10-wheeler truck
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 10-anyos na totoy matapos mabangga ng 10-wheeler aluminum van truck habang patawid sa national highway ng Brgy. Putiao, Pilar, Sorsogon kamakalawa ng umaga.

Sinubukan pang isugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si John Vincent Madrideo, residente ng Purok Riverside ng nasabing barangay.

Sumuko naman ang driver ng nakabanggang truck na si Joebert Distreza Hilado,36-anyos, residente ng Cabuyao, Laguna.

Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga, mabilis na binabag­tas ng truck (CAH-3710) ang kahabaan ng national highway nang hindi mapansin hanggang sa mabangga nito ang patawid na biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ng ilang metro sa kalsada ang bata na agad isinugod sa ospital pero ‘di na umabot nang buhay.

Bulontaryo namang sumuko sa Pilar Police ang driver na si Hilado na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

AKSIDENTE PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with