^

Probinsiya

‘Pantomina’ ng Sorsogon pasok sa Guinness

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasungkit ng lalawigan ng Sorsogon ang unang world records ng Guinness Book of World Records para sa sabay-sabay na pagsasayaw ng “Pantomina” ng 7,127 katao sa mga pangunahing kalsada ng Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Ang Pantomina ay kilala bilang Bicolano “dance of love and courtship”.

Eksaktong alas-5 ng hapon, pinangunahan mismo ng mag-asa­wang Gov. Francis “Chiz” Escudero at actress Heart Evangelista ang mga lokal na opisyal ng lalawigan at mga bisita ang pagsasayaw ng “Pantomina sa Tinampo (kalsada)” na sinabayan ng mga residente, barangay officials, mga estudyante at guro, mga kawani ng gobyerno at pribadong kumpanya na pumuno sa limang kilometrong kalsada. Tumagal ang pagsasayaw sa loob ng 30-minuto.

 Ayon kay Swapnil Dangarikar, ipinadalang adjudicator ng Guinness World Records, huma­nga siya sa ipinakitang pagsasayaw ng mga lumahok nang halos sabay-sabay.

Mismong si Gov. ­Escudero ang tumanggap ng plake na may titulong “The Largest Filipino Folk Dance” mula kay Dangarikar.

Maliban sa Guinness, tumanggap din ang lalawigan ng “commendation award” mula sa Philippine Folkdance Society at Cultural Center of the Philippines dahil sa pagpapalaganap at pag-promote sa tinaguriang “love and court dance” ng bansa.

Pinasalamatan ni Escudero ang lahat ng lumahok na na­ging bahagi ng ma­laking tagumpay ng pinakatampok na aktibidad sa ginawang dalawang linggong selebrasyon ng “Kasanggayahan (bountiful) Festival” at sa ika-125 anibersaryo ng pagiging lalawigan ng Sorsogon.

vuukle comment

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

PANTOMINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with