^
17-anyos ginilitan na, tinaga pa sa ulo!
Kinilala ni P/Major Mark Jason Gatdula, hepe ng pulisya, ang biktima na si Jhon Carlo Aba­los, helper/construction worker at residente ng Brgy. Calumpang Cerca, Indang, Cavite na dead-on-the spot sa insidente.
File

17-anyos ginilitan na, tinaga pa sa ulo!

Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2019 - 12:00am

Cavite, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng 17-anyos na binatilyo matapos siyang gilitan sa leeg at tagain sa ulo ng kanyang kasama sa trabaho matapos na magtalo hinggil sa kanilang mga kinaaanibang fraternity sa cons­truction site sa Brgy. Calumpang Cerca, bayan ng Indang kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Major Mark Jason Gatdula, hepe ng pulisya, ang biktima na si Jhon Carlo Aba­los, helper/construction worker at residente ng Brgy. Calumpang Cerca, Indang, Cavite na dead-on-the spot sa insidente.

Naaresto naman ang suspek na si Lagarto Dino, 23, ng Brgy. Masiit, Calauan, Laguna.

Sa ulat ng Indang Police, alas-12:55 ng mada­ling araw habang nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang iba pang mga obrero sa loob ng construction site nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa nang maungkat ang kani-kanilang grupo ng fraternity.

Napikon ang suspek kung kaya agad nitong kinuha ang isang bolo at agad na ginilitan sa leeg ang biktima na itinaon habang umiihi ang huli. Kahit na duguan, nagawa pang makatakbo ang biktima sa loob ng ginagawa nilang bahay subalit hinabol pa rin siya ng suspek at nang maabutan ay tinaga sa ulo.

Patay agad sa insidente ang binatilyo habang mabilis na tumakas ang suspek pero kalaunan ay nadakip ng mga awtoridad sa ikinasang hot pursuit operation.

GINILITAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with