Pagbalik sa laklakan ay agad inundayan ng sunud-sunod na saksak ang kuya na duguang humandusay.
File
Kuya kinatay ng utol sa laklakan
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2019 - 12:00am

Legazpi City, Albay , Philippines — Patay ang isang 50-anyos na mangi­ngis­da matapos na pag­sa­saksakin ng nakaba­batang kapatid maka­raang mag-away sa git­na ng kanilang inuman sa Brgy. Dariao, Cara­moran, Catanduanes kamakalawa ng gabi.

Isinugod ng kanilang mga kaanak sa Pandan District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival si Marino Talion Antonio habang inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Alex Talion Antonio, 39; kapwa residente ng nasabing barangay. Dakong alas-9:10 ng gabi, masaya pang nag-iinuman ang magkapatid at ilang kaibigan sa bahay ng isang Arly Eusebio nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa. Naawat pa umano ang magkapatid at napaghiwalay pero umuwi ang nakababata at kumuha ng patalim.

Pagbalik sa laklakan ay agad inundayan ng sunud-sunod na saksak ang kuya na duguang humandusay.

KINATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with