^

Probinsiya

Bongbong laglag kay VP Leni

ORA MISMO - Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Bongbong laglag kay VP Leni
Alam nating pinagbigyan si Bongbong na siya ang pumili ng 3 provinces dahil gusto niyang ipaalam na siya ang nanalo noong 2016 Presidential election.
File

Manila, Phillipines — Nganga ang reaksyon ng madlang voters na bumoto  kay dating Senador Bongbong Marcos na kontra kay ngayo’y Vice President Leni Robredo dahil umasa sila na ang una ang mananalo sa pagka-VP ng Republic of the Philippines my Philippines sa ginawang recounting of votes sa 3 places na itinulak ng reklamador.

Alam nating pinagbigyan si Bongbong na siya ang pumili ng 3 provinces dahil gusto niyang ipaalam na siya ang nanalo noong 2016 Presidential election.

Ano ang nangyari?

Olat!

Sa mga pinili ng reklamador na provinces tulad ng Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental, nang himayin ang mga boto rito, lalo lang lumaki ang lamang ni Leni na ikinasakit ng tiyan ng kampo ng huli dahil hindi nila mapigilan ang katatawa.

Bakit?

Lalong lumobo ng 15,000 ang boto ni VP Robredo. Hehehe!

Ang pangyayari ay kahihiyan kina Bongbong at ng kaniyang legal team dahil up to now ay nagmamakaawa, este mali, pinipilit pa rin nila para buhayin ang kanilang protestang inihain.

Sabi nga, sa Rules ng Presidential Electoral Tribunal, sa sitwasyong ito, dapat nang itapon sa basura ang protesta.

Bakit?

Talo na!

Nagbigay ng opinion ang dalawang Mahistrado, kabilang si retired SC Justice Antonio Carpio na dapat hindi hayaan si Marcos na gawing katatawanan ang proseso ng electoral protest dahil pinagbibigyan nito si Bongbong.

Sabi nga, nagpupumilit umano na baluktutin ang sistema ng halalan para diumano sa kapritso ng reklamador?

Tumitindi ang panawagan ng madlang people na itigil na ang protesta. Dapat pakinggan ang korte, lalo na ang pagbabasura sa protesta ay base naman sa sarili nilang rules.

Sinasabing ang protesta ni Bongbong ay isang political propaganda na lamang na ginagamit nito upang manatili sa balita at posibleng makatulong sa target niyang pagtakbo ulit sa 2022 Presidential erection, este mali, election pala.

Bawat araw na lumilipas ay nakakasagabal sa iba pang mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Isang insulto sa madlang Pinoy para lang mapagbigyan ang isang talunan.

Ang tanging dapat gawin na sa puntong ito ay ibasura ang protesta.

Sabi nga, si Leni ang tinanghal na kampeon sa pagka -VP!

Ano pa ang gusto ninyo? Dapat itong pagtibayin ng Supreme Court. Abangan.                                                                     

* * *

Happy Birthday, Donya Cecilia biyuda de Tempongko, 87

SA Tuesday (Oct.29) ang kaarawan ni Donya Cecilia ‘Ching’ Dalafu biyuda de Tempongko kaya naman ang mga kaibigan, barkada at mga amiga nito ay invited na dumalo sa kanyang party sa Sunday (Oct.27) sa Okada Hotel.

Sabi nga, mukhang sa grand ballroom ng hotel ang tsibugan at yugyugan blues.

Ika nga, parti-partihan ang mangyayari dahil dito puedeng iuwi  ng mga bisita ni Donya Cecilia ang mga pagkain na hindi mauubos! Tandaan, huwag na kayong magdala pa ng supot porke naka-pack na ang mga tsibog.

Kambiyo issue, pinababati si Donya Cecilia ng kanyang mga anak na sina Tet at Ray Aguna, Ceasar at Fedeliza Tempongko, James at Annie Tempongko. Mga apo na sina Dr. Harold Tempongko, May Anne, John Errol at Diane Grace, Eric King, Tonet at Lionel Aguna, Jamie Anne, Anica Mae at Joyce Anne at mga tagapagmanang mga apo sa tuhod!

Ibinida ni Dr. Harold, na isang super giant cake ang pinagawa niya para sa kanyang magandang ‘Lola Ching’ na iihipan nito sa Sunday.

vuukle comment

BONG BONG MARCOS

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with