^

Probinsiya

Ex-mayor arestado sa mga armas, bala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-mayor arestado sa mga armas, bala
Kinilala ni PNP-AKG director P/Col. Jonnel Estomo ang nasakoteng suspek na si Romeo Lonzanida, 73-anyos, dating alkalde ng San Antonio, Zambales.
Kuha ni Boy Santos

MANILA,Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) at ng lokal na pulisya ang isang dating alkalde na itinuturong protektor ng kidnapping-for-ransom gang matapos makumpiskahan ng mga armas at bala sa isinagawang pagsalakay sa Brgy. Burgos, San Antonio, Zambales kamakalawa.

 Kinilala ni PNP-AKG director P/Col. Jonnel Estomo ang nasakoteng suspek na si Romeo Lonzanida, 73-anyos, dating alkalde ng San Antonio, Zambales.

Bandang alas-2:48 ng umaga nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay na pinagiimbakan ng mga armas ni Lonzanida sa Sitio Nangalisan, nasabing barangay. 

Nasamsam sa operasyon ang isang M14 rifle na may magazine at may 19 bala, at isang cal. 5.56 AR 15 na may isang magazine at 19 na bala.

 Ang raid ay base sa search warrant na inisyu ni Executive Judge Omar Viola, ng 3rd Judicial Region laban sa dating alkalde.

 Ayon sa opisyal ang raid ay matapos namang makatanggap ng reklamo ang PNP-AKG na si Lonzanida ay nagsisilbing protektor ni Ricardo Peralta na sangkot sa gun for hire ng mga tiwaling pulitiko, kidnapping  at miyembro ng Private Armed Groups na nag-ooperate sa Central Luzon at Metro Manila.

 Base sa imbestigasyon, bago sumuko sa National Bureau of Investigation si Peralta noong Disyembre 10, 2018 ay kinanlong umano ni Lonzanida sa San Antonio, Zambales.

 Sa beripikasyon sa Firearms and Explosives Division, may mahigit 15 na matataas at mababang kalibre ng armas ang nasa pag-iingat ni Lonzanida.

 Sa tala, si Lonzanida ay nagsilbing alkalde sa loob ng 23 taon bago ito natanggal sa puwesto dahil sa kasong inihain sa Sandiganbayan kaugnay ng graft and corruption at falsification of public documents kung saan nagtago sa loob ng 10 taon.

vuukle comment

EX MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with