^

Probinsiya

Parak dedo, 3 pa sugatan sa engkwentro

Joy Cantos, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Parak dedo, 3 pa sugatan sa engkwentro
Kinilala ang nasawi na si Patrolman Henry Tummap Gayaman makaraang masapol ng mga tama ng bala sa katawan.
Edd Gumban

MANILA,Philippines — Patay ang isang pulis habang tatlo pang kasamahan ang nasugatan matapos nilang makasagupa ang grupo ng teroristang New People’s Army (NPA) sa Brgy. Burgos, San Guil-lermo, Isabela, kama­kalawa.

Kinilala ang nasawi na si Patrolman Henry Tummap Gayaman makaraang masapol ng mga tama ng bala sa katawan.

Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina P/Corporal Edie­boy Tu­maliuan Vinasoy, Patrolman Stephen Widay Olosan at Patrolman Alfred Taliano;  pawang mi-yembro ng 205th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB).

Sa ulat ng Isabela Police, nangyari ang bak­­­bakan sa liblib na lugar sa Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela bandang alas-5:07  ng umaga. Kasalukuyang nagsasagawa ng security operations ang mga elemento ng pulisya nang masabat ang mga armadong rebelde hanggang sa magkabakbakan.

 Sa palitan ng putok, tinamaan ng bala si Gayaman na kumitil sa buhay nito habang ang tatlong nasugatan ay mabilis na inilikas sa encounter site at isinugod sa pagamutan.

Pinaniniwalaan na may nalagas din sa grupo ng mga rebelde base sa mga bakas ng dugo sa lugar na kanilang dinaanan sa pagtakas.

vuukle comment

PARAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with