^

Probinsiya

Senglot nalunod sa ilog!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Senglot nalunod sa ilog!
Sa report ng pulis­ya, nagpasyang magtampisaw si Bien Villa­nueva at kanyang mga kainuman upang mapreskuhan sa idinaos nilang laklakan sa bahay ni Jaytie Laguna dakong alas-11:20 ng tanghali.
File

Mga nagtangkang sumagip, lasing din

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Nasawi sa pagkalunod ang isang 39-anyos na mister na lango sa alak na lumusong sa Pinacanauan River sa Barangay Dodan, Peñablanca sa lalawigang ito kamakalawa. 

Sa report ng pulis­ya, nagpasyang magtampisaw si Bien Villa­nueva at kanyang mga kainuman upang mapreskuhan sa idinaos nilang laklakan sa bahay ni Jaytie Laguna dakong alas-11:20 ng tanghali.

Gayunman, nauwi sa trahedya ang kanilang kasiyahan nang magawi si Villanueva sa malalim na bahagi ng ilog at nagsisigaw ng saklolo sa mga kasamahan habang nalulunod.

Bagama’t walang marunong lumangoy sa kanyang mga kasama na umano’y mga lasing din, sumakay pa sila sa bangka at tarantang sumagwan gamit ang mga kamay suba­lit hindi nila kaagad naabutan ang biktima upang masagip dahil sa sobrang kalasingan.

Dumating naman ang mga emergency responders sa lugar su­balit lumutang na ang biktima at patay na siya nang mairating sa Cagayan Valley Medical Center. 

vuukle comment

NALUNOD

SENGLOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with