Doktor na ‘tulak’ nadakma sa buy-bust
MANILA,Philippines — Arestado ang resident doctor ng isang malaking ospital sa Davao City matapos na ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation laban sa kanya dahil sa umano’y pagtutulak ng ilegal na droga sa Suazo St., Barangay 28-C, nasabing lungsod kamakalawa.
Kinilala ang nadakip na si John Perrett Herrera, alyas “John”, 33, isang surgeon at resident doctor ng Sou-thern Philippines Medical Center (SPMC). Siya ay kabilang sa high value target at nasa drug watchlist ng Directorate for Intelligence (DI).
Sa report ni P/Maj. Michael Uyanguren sa Davao City Police, nakabili umano sa suspek ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P1,000 sa pulis na poseur buyer. Nang magpositibo ang transaksyon, agad sumenyas ang poseur buyer sa mga kasamahan at inaresto ang suspek na doktor.
Narekober sa suspek ang karagdagang illegal na droga na nagkakahalaga ng P10,000, isang cellphone, syringe at isang Toyota Vios na kulay pula. Ayon pa sa pulisya, karamihan sa mga parokyano ng suspek ay miyembro umano ng LGBT community at mga taong nakikilala nito sa pamamagitan ng social media application na Grinder.
- Latest