Sa report ni Police Lt. Col. Eliseo Bernales, hepe ng San Pablo City Police nangyari ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa loob ng kubo ng mag-asawa sa Brgy. San Diego ng lungsod na ito.
File
Mag-asawa pinagbabaril ng balae, todas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Patay ang isang mag-asawa makaraang pagbabarilin ng kanilang balae sa San Pablo City, Laguna kamakalawa.

Sa report ni Police Lt. Col. Eliseo Bernales, hepe ng San Pablo City Police nangyari ang insidente  dakong alas-5:30 ng hapon sa loob ng kubo ng mag-asawa sa Brgy. San Diego ng lungsod na ito.

Kinilala ang mga biktima na sina Arthur at Evelyn Laydia; pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siyang kumitil sa buhay ng mga ito.

Sa imbestigasyon masayang nakikipaglaro ang mag-asawang Laydia sa kanilang tatlong apo sa loob ng kubo nang biglang duma­ting ang kanilang balae na si Edwin Brioso. Armado ng hindi pa natukoy na ka­libre ng armas, bigla na lamang pinagbabaril ni Brioso ang balaeng si Arthur na bagaman nakatakbo ay naabutan at muling pinagbabaril sa may damuhan.

Matapos na bumulagta ang mister, isinunod na pinagbabaril ng suspek ang ginang na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nabigo ng maisalba ang buhay nito. Masuwerte namang hindi idinamay ng suspek sa pamamaril ang tatlong apo ng mag-asawa na nasaksihan ang krimen.

Nasakote sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na kinasuhan na ng double murder.

MAG ASAWA PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with