Sa ulat, bandang alas-2:50 ng hapon habang nakaupo sa west bound lane sa tabi ng provincial road ang biktima nang bigla na lamang pagbabarilin ng mga armadong salarin na bigla na lamang sumulpot sa lugar.
Joven Cagande
Retiradong pulis pinabulagta
Raymund Catindig, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Isang retiradong miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi ma­karaang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki sa Brgy. Pob­lacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Castro, 61-anyos ng Brgy. Baliw Laud, Sta. Maria ng lalawigang ito.

Sa ulat, bandang alas-2:50 ng hapon habang nakaupo sa west bound lane sa tabi ng provincial road ang biktima nang bigla na lamang pagbabarilin ng mga armadong salarin na bigla na lamang sumulpot sa lugar.

Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw kung saan duguang bumulagta ang biktima.

Agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital ang biktima ng kanyang anak na si Ryan pero idineklara na siyang dead-on-arrival.

Ayon sa pamilya, wala silang alam na kaalitan ng biktima kaya nangangapa pa ang mga imbestigador upang matukoy ang motibo sa krimen.

RETIRED PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with