Sa ginawang ‘Up-Up Pilipinas’ forum ibinida ni PAF Commanding General Rosano Briguez na matagal nang nakaplano ang modernisasyon ng hukbong pang himpapawid ng Philippines my Philippines.
Philippine Air Force Page
‘Padayon’ sa modernisasyon Up-Up Pilipinas program, magpapatuloy - PAF
ORA MISMO - Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Air Force na hindi ma­aantala ang kanilang modernisasyon sa kabila ng naka­takdang pagre-retiro ng kanilang commanding general.

Sa ginawang ‘Up-Up Pilipinas’ forum ibinida ni PAF Commanding General Rosano Briguez na matagal nang nakaplano ang modernisasyon ng hukbong pang himpapawid ng Philippines my Philippines.

Sabi nga, kapitan pa lamang aniya siya noong dekada nubenta ay nakalatag na ang mga dapat gawin ng PAF para makasabay sa pag-usad ng teknolohiya ng buong mundo.

Paliwanag ng heneral - kahit mag retiro siya ay hindi mababago ang planong itinakda nila para sa airforce ng bansa na naglalayon na maprotektahan ang airspace ng PH.

Ito aniya ang dahilan bakit niya ginamit ang salitang bisaya na PADAYON sa kanilang slogan na PADAYON PAF, na ang ibig sabihin ay “moving forward o continue.”

Handa rin umano siyang boluntaryong mag-training sa mga ROTC students dahil kasama ito sa kanyang adboka­siya na tumulong sa susunod na henerasyon upang protektahan ang Philippines my Philippines.

Ayos ba?

Rep. Castro, review the K to 12 program

Gustong ipabusisi ni ACT Teachers Rep. France Castro sa mga kasamahan nitong kongresista para mare­bisa ang K to 12 program.

Bakit?

Palpak kasi?

Marami raw kasing graduating students sa K to 12, ang hindi nabibigyan ng maayos na trabaho kapag nag-aaply sa ilang kumpanya dahil ang pinalulusot ay mga bata pa at kulang sa kasanayan sa trabaho.

“We support the House leadership in their move to review the K to 12 program and its effectiveness. This overhaul of the country’s basic education system brought with it a myriad of issues as reported from the field by teachers and other school personnel, parents, and students,” sabi ni Castro.

“We have already filed and refiled House Resolution 20 since the 17th Congress for the House to look into the issues that emerged due to the implementation of RA 10533 or the Enhanced Basic Education Act of 2013,” dagdag ni Castro.

Ano kaya ang mangyayari sa usaping ito?

Abangan.

PHILIPPINE AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with