Kinilala ang mga nasawi na sina Jupiter Gonzales, kolumnista ng Remate at ka-buddy nitong si Christopher Tiongson .
Edd Gumban
Kolumnista, ka-buddy utas sa ambush
Gary Bernardo, Joy Cantos, Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Patay ang isang kolumnista ng tabloid at kasama nito makaraan silang tamba­ngan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang lulan ng kotse at bumabagtas sa highway ng Brgy. Calucud sa Arayat, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jupiter Gonzales, kolumnista ng Remate at ka-buddy nitong si Christopher Tiongson .

Si Gonzales ay dead-on-arrival sa Arayat District Hospital habang si Tiongson ay dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinabi ni P/Lt. Col. Dale Soliba, hepe ng Arayat Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang tambangan at pagbabarilin ng magkaangkas na suspek ang Nissan Almera (AQA 8441) na minamaneho ni Gonzales patungong Olongapo-Gapan Road habang bumabagtas sa lugar. Bunga nito, sumalpok pa ang behikulo ng mga biktima sa isang malaking “plant box” sa tabi ng highway. 

Napuruhan sa pa­mamaril si Tiongson na agad nasawi sa lugar habang mabilis na nagsitakas ang mga suspek. Bagama’t nagawa namang ma­isugod sa ospital si Gonzales ay nabigo nang maisalba ang buhay nito.

Lumalabas na binibira ni Gonzales sa kanyang kolum sa diyaryo ang pamama­yagpag ng mga illegal na peryahan sa lugar na isa sa motibong sinisilip ng mga awtoridad sa krimen.

Samantala, kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pamamaslang sa isa na namang mamamahayag.

Ayon kay Usec Joel Egco, executive director ng PTFoMS at kolum­nista rin ng Remate, personal na siyang nagtu­ngo kahapon sa Arayat at nakikipagkoordinasyon sa pulisya para sa agarang imbestigasyon sa nasabing kaso at maaresto ang mga responsable sa krimen.

Sinabi ni Egco na siya mismo ang mangu­nguna sa team ng PTFoMS investigators na magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa nasabing kaso. Kasama nito na nagtungo sa Arayat sina P/Lt. Col. Eder Collantes, PTFoMS investigation chief at P/Lt. Col. Rechie Duldulao (ret), PTFoMS deputy chief.

AMBUSH KOLUMNISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with