Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Marites Patiga habang nagpapagaling na ng sugat ang suspek na si Segundo Patiga, 46-anyos, pawang residente ng nasabing barangay.
File
Misis tinadtad ni mister bago nagsaksak
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 42-anyos na misis matapos na pagtatagain ng kanyang mister dahil sa sobrang pagseselos saka nagsaksak sa sa­rili sa loob ng kanilang kubo sa Brgy. Tula-Tula Pequeno sa Ligao City kamakalawa.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Marites Patiga habang nagpapagaling na ng sugat ang suspek na si Segundo Patiga, 46-anyos, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng tanghali nang mag-away umano ang mag-asawa dahil sa sobrang pagseselos ng mister. Sa gitna ng kanilang bangayan, kumuha ng matalim na itak ang suspek at saka pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang misis. Nang makitang hindi na kumikilos ang duguang misis, nagsaksak din sa kanyang tiyan ang suspek.

Agad na isinugod ang mag-asawa ng kanilang mga kaanak sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital pero hindi na umabot nang buhay si Marites. Dahil naman sa maselang lagay, inilipat ang suspek sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City.

MISTER SAKSAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with