Kinilala ni Bogo City Police Station, P/Maj. Emelie Santos, ang mga napatay na suspek na sina Kevin Andales, Wilfredo Engui­to, Philip Taborada, at Glen Tairos habang ang mga naaresto ay sina Roel Sumingit, 35; Jun Candelaria, 38; Julivy Quirante, 43; Arnel Cimafranca, 38 at isang ‘di pa nakilalang lalaki.
File
4 holdaper nang-agaw ng baril, utas!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

Manila, Phillipines — Apat sa pitong sus­pek na naaresto dahil sa umano’y pang­hoholdap sa isang mall sa Mandaue City, Cebu ang napatay ng mga awtoridad matapos umanong mang-agaw ng baril habang ibinibiyahe patungo sa presinto sa Bogo City kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ni Bogo City Police Station, P/Maj. Emelie Santos, ang mga napatay na suspek na sina Kevin Andales, Wilfredo Engui­to, Philip Taborada, at Glen Tairos habang ang mga naaresto ay sina Roel Sumingit, 35; Jun Candelaria, 38; Julivy Quirante, 43;  Arnel Cimafranca, 38 at isang ‘di pa nakilalang lalaki.

Sa ulat ng Mandaue City Police Office na pinamumunuan ni P/Col. Jonathan Abella, nabatid na humi­ngi sila ng tulong sa mga police stations sa lalawigan matapos na mahigit sa 10 lalaki na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang nanloob sa dalawang tindahan ng alahas, isang pawnshop at isang money changer sa loob ng J Centre Mall sa Brgy. Bakilid, Mandaue City, pasado alas-8:00 ng gabi, kamakalawa. Pagsapit ng alas-11:00 ng gabi ay namataan ng mga tauhan ng Bogo Police Station ang mga suspek base sa deskripsyon ng Mandaue Police habang sakay ng isang Toyota Innova (ZEM-489) at tatlong motorsiklo sa isang wharf sa Brgy. Pulambato, Bogo City kaya’t agad silang si­nita at inaresto sa pangu-nguna ni P/SSgt. Jojit Potot katuwang ang Regional Special Operations Group ng Central Visayas (RSOG-7). 

Narekober mula sa mga suspek ang ilang armas, cellular phones, libu-libong halaga ng cash money at mga damit.

Agad na binitbit ng mga awtoridad ang mga suspek patungo sa istas­yon ng pulisya pero hindi pa man sila nakakarating ay bigla umanong mang-agaw ng baril ang apat kaya’t napilitan silang paputukan ng mga pulis.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with