Pamilya pinasok, niratrat: 2 dedo, 3 sugatan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

RIZAL, Philippines —Dalawa ang patay kabilang ang isang bata at tatlo ang malubhang nasugatan sa isang pamilya makaraan silang pasukin at pagbabarilin ng hindi pa na­kikilalang mga suspek sa loob ng kanilang bahay sa Baras, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Baras Municipal Police, kapwa dead-on-arrival sa Antipolo City Hospital Annex sina Jeszabel Tolibas, 11-anyos, estudyan­te, at Leimuel Tolibas, 20, out-of-school youth, habang sugatan naman sina John Joven Tolibas, 9; Erica Tolibas, 16, at Ricky Capis­trano dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nabatid na dakong alas-10:00 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang mga pulis hinggil sa naganap na pamamaril sa Block 7E, Southville 9, sa Brgy. Pinugay.

Natagpuan ng mga pulis ang mga sugatang biktima na agad na isinugod sa naturang pagamutan pero dead-on-arrival sina Jeszabel at Leimuel.

PAMILYA PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with