^

Probinsiya

Pulis, lider ng mga ‘tulak’ utas sa engkwentro

Joy Cantos, Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon
Pulis, lider ng mga �tulak� utas sa engkwentro
Sa ulat ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Colonel Chito Bersaluna, kinilala ang nasawing pulis na si Corporal Ronnie Tamaliuan, miyembro ng Bulacan Provincial Intelligence Branch (PIB).
File

MANILA, Philippines — Nagbuwis ng buhay ang isang pulis matapos na kumasa ang isang lider ng mga tulak ng droga na umano’y n aghasik ng karahasan kasama ang kanyang grupo sa kanilang lugar na nauwi sa shootout na ikinasawi rin ng suspek sa Alveo Relocation Site, Brgy. Lalangan, Plaridel, Bulacan nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Colonel Chito Bersaluna, kinilala ang nasawing pulis na si Corporal Ronnie Tamaliuan, miyembro ng Bulacan Provincial Intelligence Branch (PIB).

 Bandang alas-11:30 ng gabi, nang magresponde ang mga operatiba ng Plaridel Police matapos ireport ni Brgy. Captain Danilo Tayao ng Brgy. Lalangan na may mga armadong kalalakihan na gumagala sa relocation site na pinangungunahan ni Nesty Nacino alyas “Wek” na kalalabas lamang sa Bulacan Provincial  Jail sa kasong pagtutulak ng droga.Tinatakot umano ng suspek at mga kasamahan nito ang mga residente sa lugar at maging ang mga barangay tanod.

Nabatid na habang papasok ang mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Special Weapons Action Team (SWAT) ng Bulacan Police sa bisinidad ng tahanan ni Nacino ay agad silang pinaputukan ng mga suspek na nagbunsod ng barilan.

Sa kamalasan, nasapol ng bala ng shotgun sa katawan si Tamaliuan na agad na isinugod sa Pe­ralta Hospital sa Plaridel pero idineklarang dead-on-arrival. Nagawa namang makatakas ni Nacino matapos siyang pumasok sa isang itinata­yong gusali sa lugar pero habang hinahabol ng mga operatiba ay naghagis pa umano ng granada na tumama sa dingding ng gusali na mabuti na lamang at hindi sumabog. Muling nagkaengkuwentro at bumulagta si Nacino.

Narekober sa lugar ang 12 gauge shotgun ni Nacino, isang coin purse na may 63 sachet ng shabu, cellphone na may nakasilid na tatlong sachet ng shabu sa housing nito at mga nagkalat na basyo ng bala ng desabog, M16 armalite, cal. 39 carbine at cal. 9mm.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with