Kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Boy Ali Dilalagan Lumilis alyas Boy, 23-anyos at Jordan Abdullah, nasa hustong gulang habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa nilang kasamahan.
File
3 holdaper todas sa shootout!
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang tatlong pinaghihinalaang holdaper matapos na makipagbarilan sa mga pulis nang kumasa habang inaaresto sa Yapsea Street, Brgy. RH-10, Cotabato City, hapon nitong Biyernes. 

Kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Boy Ali Dilalagan Lumilis alyas Boy, 23-anyos at Jordan Abdullah, nasa hustong gulang habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa nilang kasamahan. 

Ayon kay P/Captain Rostum Pastolero, hepe ng Police Station 2, una silang tumanggap ng impormasyon na may tatlong kalalakihan umano na sakay ng Bajaj motorcycle na may kahina-hinalang ikinikilos sa nasabing lugar, pasado alas-5:00 ng hapon. 

Agad na rumesponde ang pulisya at naaktuhan ang tatlong suspek na nanghoholdap habang nakatutok ang baril ng isa sa kanila sa isang payong-payong driver na may sakay na mga estudyante.

Nilapitan ni Pastolero ang mga suspek pero nagpaputok ng baril ang isa hanggang sa mauwi sa shootout.

Dead-on-the-spot sa insidente ang isang suspek habang nagawa pang maisugod sa ospital ang dalawa pero idineklara silang dead-on-arrival.

SHOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with