^

Probinsiya

Trader, 2 pang kaangkas binistay ng bala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Trader, 2 pang kaangkas binistay ng bala

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong magkakaangkas sa motorsiklo kabilang ang isang 60-an­yos na biyudang negos­yante makaraang pagbabarilin ng tatlong lalaki sa kahabaan ng highway sa Brgy. Banga, Bayawam City, Negros Oriental kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang mga nasawi na sina Heide Rio, biyuda, umano’y may herbal business; Richard Billalos alyas Gagang, 29, at John Anthony Bormelado, 17, na pawang dead-on-arrival sa Bayawan District Hospital sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Sa report ni Bayawan City Police Officer-in-Charge P/Lt. Josue Lungog, dakong alas-9:32 ng gabi habang ang mga biktima ay lulan ng motorsiklong XR 125 na bumabagtas sa lugar at pauwi na sa kanilang tahanan nang bigla silang harangin ng tatlong armadong lalaki na magkakaangkas din sa motorsiklo.

Agad na bumunot ng baril ang dalawang backriders at pinagbabaril ang mga target. Pagbagsak ng mga biktima sa kalsada, bumaba pa ang mga salarin sa motorsiklo saka muli silang niratrat bago tuluyang nagsitakas.

 Narekober sa crime scene ang 9 na cartridge ng cal. 45 pistol, isang motorsiklo at isang shoulder bag na naglalaman ng cellphone ng mga biktima at P900.00 cash.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with