^

Probinsiya

Nahuling nakikipagtalik sa lover na italyano taksil na misis pinaaresto ni mister

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Bumulaga sa isang mister na seaman ang kalaswaan at pagtataksil ng kanyang misis nang maaktuhan nito na nakikipagtalik sa kalaguyong Italyano sa loob pa mismo ng kanilang ta­hanan kahapon ng mada­ling araw sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City.

Kapwa sinampahan ng kasong adultery ang mga suspek na sina Glenda Alquino, 47-anyos ng B1, L34, Grand Residence Subd. Nia Road, Carsadang Bago 2, nasabing lungsod at ang umano’y kalaguyo nitong Italian national na si Giovanni Saporito, 55, negosyante at residente rin sa nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:40 ng madaling araw nang sorpresahin ng mister na si Roel Alquino, 48 anyos seaman, ang kanyang misis nang siya ay umuwi sa kanilang bahay su­balit siya ang nasorpresa at parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang maaktuhan niya ang malaswang eksena sa loob ng kanilang pamamahay kung saan nakapatong ang Italyano sa hubad na misis sa loob pa mismo ng kanilang kuwarto. 

Agad na humingi ng tulong si Roel sa pinakamalapit na police station at mga opisyal ng barangay saka pinaaresto ang kanyang misis at lover nito na kapwa binitbit sa presinto.

ADULTERY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with